Panginoon, tanging Ikaw lamang ang nagbigay kahulugan At naglaan ng pahingahan sa puso kong napapagal At nagmahal sa 'kin nang lubusan, kapalit man ay kamatayan O Hesus, aking Panginoon, Gumagabay sa 'king buhay Tumatanglaw sa kadiliman ng puso kong namamanglaw Tumatangan sa 'king mga kamay upang ikaw ay masundan Hesus, Ikaw lamang ang aking buhay Ikaw ang nagbibigay kagalakan Ika'y aking lakas at tanging pag-asa Hesus, Ikaw lamang, walang iba At nagbago ang buhay kong ito nang madama ang pag-ibig mo Nagnais na sumunod sa 'yo ‘Di man marapat ang puso ko Na ilaan sa iyo ang lahat, maging itong aking buhay Hesus, Ikaw lamang ang aking buhay Ikaw ang nagbibigay kagalakan Ika'y aking lakas at tanging pag-asa Hesus, Ikaw lamang, walang iba Walang ibang Panginoon Kundi ikaw lamang O Hesukristo Sasambahin at mamahalin Kalooban mo ang siyang tutupdin Hesus, Ikaw lamang ang aking buhay Ikaw ang nagbibigay kagalakan Ika'y aking lakas at tanging pag-asa Hesus, Ikaw lamang, walang iba Hesus, Ikaw lamang Hesus, Ikaw lamang Hesus, Ikaw lamang, walang iba Hesus, Ikaw lamang Hesus, Ikaw lamang Hesus, Ikaw lamang, walang iba Hesus, Ikaw lamang, walang iba