\"Namimili ka ba sa online? O online seller ka?\" \"Legit na miner ka ba? o Joy dibber ka!?\" Eto na naman, ika'y nag-aabang sa mga online seller na matiyaga ng naglaan ng kanilang oras Para sa pamilyang tinutulungan Para kay Junior na Spaghetti ang gusto Para kay tatay na merong sakit sa bato \"Mamaya tay bili ako ng maintenance mo a\" Pero heto ka, panay ang dibs at mine mo Nakikipagunahan sa mga legit na tao Masarap bang manloko? Pogi ka na sa tingin mo. Pero alam ko na ang sikreto mo... Di ka mahal ng mama mo! Joy Joy...Joy joy... Di ka na naawa sa mga taong nag chaga kahit walang trabaho Sila 'tong gumagawa ng paraan \"Tara benta natin to pandagdag sa tuition\" \"Sigi!\" Pero heto ka papansin na naman Inunahan ang legit nan joyjoy na naman Pero alam ko na ang sikreto mo... Di ka mahal ng mama mo joy joy...joy joy... Kaya naman pala panay ang joy joy mo di ka naman pala mahal ng nanay mo ni hindi niya tinatawag ang pangalan mo pero sa online seller uulit ulitin to Tuwang tuwa ka pag binanggit ang pangalan mo Pinupuri ka pa sa lakas ng dibs mo Ang di nila alam yun lang ang habol mo Dahil ang totoo walang nagmamahal sa'yo Kaya ngayon eto naintindihan ko na na ang pagpasok mo sa live ko ay charity ko na. Nawa'y mapagbigyan kita ng konting saya Para kahit papano at lumigaya ka Dahil alam ko na ang sikreto mo Di ka mahal ng mama mo Joy joy...Joy joy... Pero pagdating ng arae na walang magmahal sa'yo Pagbibigyan kitang mag mine ng todo todo Mapa hollow blocks man o skin ni Gusion ang hilingin mo Mamahalin kita kasi, Di ka mahala ng mama mo Joy joy...joy joy... Joy joy ang ghosting sa online selling