Hindi ka nag-iisa
Hindi ka naiiba
Lahat ay naghahangad
ng maluwag na paghinga
Naiwan kang sabik
naiwan kang sawi
Lahat ay naghahabol
ng matamis na pagbawi
aaahhh...nawala na lang at 'di mo alam
aaahhh...dumaan lang sa iyong harapan
Loob mo ay buo
Ang isip mo ay gulo
Lahat ay kapit tuko
Sa mundong tumatakbo
aaahhh...nawala na lang at 'di mo alam
aaahhh...dumaan lang sa iyong harapan
aaahhh...iiwanan ka kahit saan
aaahhh...iiwanan ka kahit kailan
Na-bale-walang pagod
Kumikirot ang likod
Bumilang ka ng taon
Sa limot ako'y baon
aaahhh...nawala na lang at 'di mo alam
aaahhh...dumaan lang sa iyong harapan
aaahhh...iiwanan ka kahit saan
aaahhh...iiwanan ka kahit kailan