Isang araw ako'y naglayas Iniwan lahat, pati ang pangarap Buhay ko ay puno ng ligaya Akala ko ay walang hanggan ang saya Dumating ang hirap, sikmura ay dumadaing Buhay ko ay puno ng suliranin Sa dulo ng sakit, ako ay nagpasya Babalik sa Ama at magpapakumbaba Oh Ama patawad sa aking nagawa Ako'y nagkasala ako'y nagbalik na Hangad ko ay kapatawaran Mo Pag-ibig Mo sa akin ay tapat at totoo Tinanggap Mo ako, pinatawad ang sala Pinawi ang pait, puso'y napuno ng saya Isang handaan, Iyong inihanda Para sa anak Mong sa'Yo'y nagtiwala Oh Ama patawad sa aking nagawa Ako'y nagkasala ako'y nagbalik na Hangad ko ay kapatawaran Mo Pag-ibig Mo sa akin ay tapat at totoo