mahabang araw, biglang luha ang ulap
ayoko sa ulan ngunit kailangan ko'ng tumigil muna sa takbo ng oras
kaya sumilong muna sa payong,
tumingin sa mga tao,
kung sakali na umamin din ito
\"kaylangan ko ng tulong,\"
\"hinga na muna tayo,\"
\"pwede bang pumikit at huminto?\"
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil ang mundo
kwentong rosas, kumpleto ang barkada
ayoko sa maingay ngunit kaylangan ko nang may karamay sa minsang walwalan
kaya umawit muna ng lab song
sumabay ang mga aports
tagong ngiting pag-amin ang sagot
\"salamat sa pagtulong,\"
\"tara order pa tayo,\"
\"pwede bang ngumiti at huminto?\"
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil ang mundo
kwentuhang random sa kwarto
humiga sa aking braso
sabay sabing \"ang racist mo jusko\"
ang hinahon ng presensya mo
sana di na matapos to
oh pwede bang humalik at huminto
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil ang mundo
kung pwede lang itigil and mundo
matagal ko nang tinigil ang mundo