aking luna 'di kita iiwan
kahit minsan kulang
kahit 'di makita
oh prinsesang nagbigay liwanag
sa mundong mahirap hanapin ang saya
ikaw saakin ang magandang tanawin
sabik na aking titig ang tatanggapin
ikaw parati ang aking pipiliin
'di na hahanapin ang mga bituin
malamig ang gabi
pag di 'kaw ang katabi
aking luna 'di kita iiwan
kahit minsan kulang kahit 'di makita
hiling na sana gabi na araw-araw
nang madalas kasama
at lagi kitang kita
karingalan, isa bang kasalanang
ikaw ang ninanais kong huling makita?
karilagan, sa'yo ang bawat letra
ikaw ang manunulat ng buhay kong tula
malamig ang gabi pag
'di 'kaw ang katabi
walang lamig ang gabi
sa'yo lamang uuwi